NO WAYS OUT
Sa readings na pinamagatang “ A Confession “ ni Leo Tolstoy inisa-isa niya rito ang iba’t ibang dahilan kung bakit masasabi na ang buhay ay walang kahulugan at kwenta , at ang kamatayan ang mas mabisang paraan para makatakas dito. Makikita rito yung pag-amin niya sa mga kalupitan at kahirapang naranasan niya sa kanyang buhay. Makikita rin dito yung mga katanungan niya sa buhay na hindi niya naman mahanapan ng kasagutan. Pati na rin sa pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili, kahit naranasan niya na ang kalupitan ng buhay ,na ang buhay ay may kahulugan. Sa pamamagitan ng kanyang pananalig na mayroong Diyos na nagiging dahilan kaya tayo ay nagpapatuloy pang mabuhay.
Pagkatapos kong basahin ang readings ni Tolstoy na “ A Confession “ pumukaw sa aking atensyon ang katagang inilahad niya rito na, “ . . . . . there were four ways out of the terrible position which we are all placed. “ Nang mabasa ko ito napag-isi-isip ko na talaga bang mayroon pa ng paraan para makatakas tayo sa kapahamakang kinalalagyan natin, bukod doon sa pagpili ng kamatayan, lalo na at ang kapahamakang iyon ay nasa harap na natin at alam na alam na natin na na wala ng ibang paraan para makatakas mula rito. Hindi ka naman puwedeng magmaang-maangan sa maaaring mangyari sa iyo kapag nakikita at naiintindihan mo na ang katotohanan sa sitwasyong iyong kinalalagyan. Siguro ang huli mo na lang magagawa ay ang ipikit ang iyong mga mata at hintayin na lang ang susunod na mangyayari sa iyo. Katulad na lang dun sa kuwentong sinabi ni Tolstoy na kung saan nalagay siya sa isang sitwasyon na masasabi nating “no way out” na siya sapagkat wala na siyang takas mula sa mabangis na “beast” na humahabol sa kanya at sa “dragon” na naghihintay sa kanya sa ilalim ng balon na mapabitiw at mahulog siya sa kinakapitan niyang sanga na kung saan ang sangang ito ay nginangatngat ng dalawang daga. Sa halimbawang ito makikita rito na kahit anong pagpupumilit ang gawin ng tao na mabuhay kung ang kamatayan ay nasa harapan na ng iyong mga mata, wala ng iba pang paraan para makatas mula rito kung hindi harapin na lang ito at tanggapin. Kaya hindi ako sumasang-ayon na mayroon pang ibang paraan para makatakas tayo ng buhay sa kapahamakang ating kinalalagyan lalo na at ang tanging pagpipilian natin ay kamatayan at kamatayan lamang at wala ng iba pa. Tulad kanina dun sa nasabing halimbawa.
Pumukaw din sa aking atensyon ang katagang sinabi niya na. “ Live seeking God, and then you will not live without God. “ Sang-ayon ako sa linyang ito sapagkat kapag tayo ay nabuhay na naghahanap sa presensiya ng Diyos ang buhay natin ay nagkakaroon ng kulay at kahulugan. Nagkakaroon ng kulay at kahulugan ang ating buhay sapagkat sa pamamagitan Niya nagiging positibo tayo sa pagharap sa buhay, laging buong-buo ang ating pag-asa at pananalig. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya tayo ay nagkakaroon ng dahilan para magpatuloy pa ring mabuhay kahit na anong hirap, lupit at pait pa ang ating maranasan. Nagiging matibay tayo sa bawat pagsubok ng buhay ngunit kung hindi tayo nabubuhay ng naghahanap sa Diyos marahil kaunting pagsubok lang na dumating sa ating buhay ay sumusuko na agad tayo at kamatayan ang tanging iisipin para hindi na muli maranasan ang ganitong pagsubok. Kaya nga ang mga taong naghahanap sa Diyos ay kailanman man hindi nabuhay ng walang Diyos.
Mary Joy Capentes
BSBA MM 1-1
No comments:
Post a Comment